LOS ANGELES — Isinara ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa Los Angeles area noong Disyembre 15, 2015 matapos makatanggap ang isang school board member ng banta sa email, nagtaas ng pangamba sa isa na namang pag-atake katulad ng madugong pamamaril sa katabing San Bernardino.

Sinabi ni New York Police Commissioner William Bratton na nakatanggap sila ng parehong banta, ngunit kaagad napagtanto na kalokohan lamang ito.

Ayon kay Los Angeles Unified School District spokeswoman Shannon Haber, pinaniniwalaang nagmula ang banta sa isang IP address sa Frankfurt, Germany. Pinag-aaralan na ito ng mga awtoridad at ang shutdown ay isang precaution.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'