Ningning to Dondon Ayoko pong mabulag copy

ILALABAS na ng batang si Ningning (Jana Agoncillo) ang kanyang takot sa malaking posibilidad na mabulag siya nang sabihin ng doktor na may sakit siyang aggressive corneal dystrophy sa top-rating morning weekday Kapamilya teleserye.

Magiging madamdamin ang usapan ng mag-amang Ningning at Dondon (Ketchup Eusebio) sa malaking unos sa kanilang buhay dahil sa paglabo ng mga mata ni Ningning na baka mauwi sa pagkabulag kapag hindi maagapan.

Ani Ningning, ayaw niyang mabulag at tuluyang hindi makakita, kaya naman itotodo ni Dondon ang paghahanap ng cornea donor.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Magbunga kaya ang pagpupunyagi ni Dondon na makahanap ng donor para sa kanyang minumutyang anak? Malalagpasan kaya ng ating munting bida ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay?

Huwag bibitaw sa kaabang-abang na mga pangyayari sa Ningning, Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime, sa ABS-CBN. Layunin ng programang Ningning na imulat ang mga Pilipino sa kagandahan ng buhay sa kabila ng maraming problema.