Jose Antonio & Eva copy

UMAASA si Eva Longoria na susuwertehin na siya sa ikatlong pagkakataon.

Inihayag ng aktres ang kanyang engagement sa negosyanteng Mexican na si Jose Antonio Baston sa kanyang post sa Instagram nitong Linggo.

“Ummmm so this happened….. #Engaged #Dubai #Happiness,” caption ng 40-anyos na si Eva sa litrato nila ni Jose Antonio, 47, habang naghahalikan sa disyerto. Umani ng halos 90,000 like ang litrato sa loob lamang ng apat na oras.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makikita rin sa larawan na may suot na singsing si Eva sa kaliwang kamay, bagamat hindi malinaw kung iyon ang kanyang engagement ring.

Nagsimulang mag-date noong Nobyembre 2013, nasa Dubai ang magkasintahan para sa Global Gift Gala sa 2015 Dubai International Film Festival, iniulat ng USA Today.

Kasal si Eva sa player ng San Antonio Spurs na si Tony Parker mula 2007 hanggang 2011, at sa soap opera actor na si Tyler Christopher mula 2002 hanggang 2004. (Fox News)