Robin Padilla copy

BALIK-KAPAMILYA na si Robin Padilla sa pagpirma niya kamakailan ng two-year exclusive contract. Kaya excited na siyang makipagtrabaho uli sa mga dating nakasama sa ABS-CBN network gaya ni Angel Locsin na nakasama niya sa kanyang huling programang Toda Max. Hindi pinapangarap ni Robin na makipagsabayan sa nagsusulputang love teams. Mas gusto niyang gumanap ng father roles.

“Ako naman, ang lagi kong ‘pinapakiusap sa pamunuan ng ABS, ‘yung father and son or father and daughter,” ani Robin.

Tapos na raw siya sa pa-tweetums sa leading ladies.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Sa mga leading lady, strict ang parents ko, eh. Bawal na ang kissing scene. Family-oriented muna. Mas gusto ko muna ang family drama,” seryoso niyang sabi.

Naitanong kay Robin kung nais niyang makatambal muli si Angel, na naging leading lady, bago siya nag-ober-da bakod sa TV5. “Oo, kasi hindi pa kami nakakagawa ng drama,” ani Robin.

Batid ni Robin ang pinagdadaanang karamdaman ni Angel, dahilan para malimitahan ang kilos ng aktres.

“Nalulungkot rin naman ako sa (kanyang dinaramdam) sa likod niya. Alam mo, para sa akin, sa lahat ng nabahagian ko ng training sa martial arts, siya talaga ang nakita kong may potential,” sabi ni Robin.

“Pero siyempre tapos na ‘yun, kasi mas magiging masaya siya sa decision niya. Kung sino man ‘yung magiging Darna isipin na lang natin, sana maging kasing galing ni Angel,” pahayag pa ni Robin. (ADOR SALUTA)