Disyembre 11, 1969 nang sabihin ng Moscow writer’s union secretary na si Sergey Mikhalkov na ang nudity na tampok sa play na “Oh! Calcutta!” na itinanghal sa New York ay simbolo ng “western decadence.” Idinagdag na ang dulang “bourgeois” ay may negatibong impluwensiya sa kabataan ng Russia.

Para kay Mikhalkov, nakilala sa kanyang mga librong pambata, ang pornographic exhibitions ay “a general striptease” at simbolo ng “modern bourgeois art.” Naalarma rin siya sa katotohanan na hindi mulat ang kabataan ng Soviet Union sa mga dati at kasalukuyang kaganapan sa bansa kaysa Western theater at literature na may “reactionary tendencies.”

Pinulaan din niya ang kapwa manunulat na si Aleksandr Solzhenitsyn, na nagsulat ng critical pieces sa “Soviet police state,” bilang isang “special correspondent of foreign organizations.”

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM