JAEN, Nueva Ecija — Isang 59-anyos na lalaki na nahaharap sa maraming kaso sa hukuman ang itinumba ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Barangay Gulod sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinarating ng Jaen Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office Director, nakilala ang biktima na si Cresenciano Constantino, may-asawa, magsasaka, residente ng Purok 2, Bgy. Pamacpacan, na agad namatay sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Naganap ang pamamaril dakong 6:20 ng gabi habang sakay ang biktima ng kanyang itim na pick-up Ford Ranger (ABJ-7495).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Lumabas sa pagsisiyasat ni PO2 Jear Carlos na si Constantino ay suspek sa mga kasong multiple murder, attempted murder, homicide at paglabag sa probisyon ng BP Blg. 22 na ang ilan ay naareglo habang ang iba ay kasalakuyang dinidinig sa mga hukuman.

Napag-alaman din na ang biktima ay may pending search warrant sa kasong illegal possession of firearms.

Nakarekober ang pulisya ng 12-basyo ng cal. 45 pistola sa crime scene. (Light A. Nolasco)