1449201548_ARV_5250e copy

Kasabay ng pagtatala ng kanilang ika-32 sunod na panalo, inangkin din ng National University (NU) ang kanilang ikalawang dikit na titulo matapos durugin ang nakatunggaling Ateneo de Manila, 75-55 sa kampeonato ng UAAP Season 78 women’s basketball sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Nakalamang pa sa unang pagkakataon ang Lady Eagles sa panimula ng laro sa iskor na 3-0 ngunit agad sumagot ang Lady Bulldogs ng 19-6 run na tinambalan nila ng kanilang pressing defense upang layuan ang una sa second period at hindi na muli pang lumingon para pormal na mawalis ang kabuuan ng season na gaya ng ginawa nila noong nakaraang taon.

Hawak nila ngayon ang ikatlong pinakamahabang winning streak sa buong kasunod ng Adamson sa softball na may 62 game winning streak at ang NU men’s lawn tennis na mayroon naming 33-game winning run.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Pinangunahan ni back-to-back MVP Afril Bernardino ang nasabing panalo sa kanyang itinalang 18-puntos at 17 rebound na naging susi rin upang siya ang tanghaling Finals MVP.

Sa kabila naman ng natamong pagkatalo, hindi malilimutan ang naging kampanya ng Ateneo sa taong ito matapos nilang makalusot sa limang do-or-die matches kabilang na ang laban nila sa twice-to-beat La Salle sa stepladder semifinals para makamit ang karapatang harapin ang Lady Bulldogs sa Finals.

Ito ang unang pagkakataon na muling nakapasok ang Lady Eagles sa kampeonato magmula noong 2007.

Namuno para sa kanilang losing cause si Jolina Go na umiskor ng 19- puntos kasunod si Danica Jose na may 12-puntos at 10 rebound.