LONDON (Reuters) – Isang lalaking armado ng patalim ang umatake sa tatlong tao sa silangang London metro station nitong Sabado, at napaulat na sumisigaw ng “this is for Syria” bago siya ginamitan ng mga pulis ng stun gun upang mapigilan sa inilarawan ng awtoridad na isang insidente ng terorismo.

Nakita sa footage na ipinaskil sa Twitter ang nagkalat na dugo malapit sa mga ticket barrier sa terminal ng Leytonstone Underground, at nakita rin sa video clip ang suspek habang kinukumpronta ang mga pulis.

“We are treating this as a terrorist incident,” sinabi ni Richard Walton, na namumuno sa Counter Terrorism Command sa Metropolitan Police ng London.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina