Janine Gutierrez
Janine Gutierrez
Ni MERCY LEJARDE

SA presscon ng Buy Now, Die Later na entry ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo sa MMFF 2015, tahasang sinabi ni Janine Gutierrez na hindi niya susundan sa Kapamilya Network ang boyfriend niyang si Elmo Magalona dahil two years pa ang kontrata niya sa GMA-7.

“Eventually, magkakatrabaho pa rin kami. Umiikot lang naman ‘yan, di ba?” sabi ng dalaga. “Kahit na hindi kami magkasama sa trabaho, magkikita at magkikita pa rin kami. Kasi girlfriend naman niya ako,” prangkang sey pa ng byuting panganay ni Lotlot de Leon.

Oo naman. Nasa Pilipinas lang naman sila pareho at alangan namang hindi sila magkita o magkausap man lang. That’s impasibol, you know.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

And one thing more, tanggap na naman ng kani-kanilang parents ang relasyon nila. Kumbaga, wala nang haharang na sibat sa kanilang pag-iibigan. Mereseng magkaiba ang TV network nila ngayon. Dati silang magkasama sa Kapuso Network, doon sila nagkadebelopan, nagkaibigan ang puso nila sa isa’t isa, boom zzziiibbooommm!

Kaya ang drama siguro ngayon nina Janine at Elmo bilang magkasintahan in real life ay... “bye now, see you later.” Insert smiley, u!