TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Dalawa pa ang nasawi sa dengue at nakapagtala ng panibagong 604 na kaso sa lalawigang ito kamakailan, kaya sa kabuuan ay nasa 46 na ang namamatay sa sakit at 10,457 na ang kabuuang dinapuan nito.

Nakumpirma ang bilang sa Morbidity Week 46 report, ang huling dengue update na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) sa media nitong Disyembre 3.

Saklaw ng Week 46 ang Nobyembre 15-21.

Iniulat ng PESU na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Nobyembre 21 ngayong taon ay mas mataas ng 419 na porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2014, nang makapagtala ng 2,013 kaso. (Anthony Giron)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito