May isang nagsabi na magiging masaya ang mga may-ari ng purenarya kung magiging presidente si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ang dahilan? Tataas ang bilang ng kanilang customer sa pagbili ng mga kabaong, pagpapa-embalsamo at maging sa burol.

Ang matapang na si Duterte ay naniniwala na ang death penalty at summary execution ang pinaka-epektibong parusa para sa mga criminal dahil siguradong hinding-hindi na nila mauulit ang kanilang ginawang kasalanan.

Maraming humanga sa nagawa ni Duterte sa pagpapababa ng krimen sa Davao City at gawin itong ligtas na lugar, ngunit ganito ba ang nais nating maging pinuno? Ang lumalabag sa batas? Nais ba natin ng isang judge, jury at executioner na presidente?

Palaging ipinagmamalaki ni Mayor Duterte na dahil sa shoot-to-kill policy, ang Davao ang pinaka-mapayapang lugar sa bansa. Nais nating sumang-ayon ngunit ang kapayapaang iyon ay uri ng kapayapaan na matatagpuan sa sementeryo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang alkalde ay hindi isang immortal. Darating ang panahon na lilisanin niya ang mundong ito. Oo, maaalala siya sa pagpapalaganap ng kapayapaan ngunit sa papaanong paraan?

Maaaring gawin ng alkalde ang kahit anong gusto niyang gawin sa kanyang teritoryong nasasakupan kahit na ito ay ilegal dahil ang ALAM niya ay palagi siyang tama.

Halimbawa, puwede siyang magkaroon ng mga babae kahit ilan man ang gustohin niya. Pagdating naman sa pag-uugali at tamang asal, akala niya na ang pagbibiro at pagmumura sa kahit saan at kahit sino, kabilang na ang Santo Papa, ay ayos lang!

Ngunit, ayon nga sa kasabihan: “Pride comes before the fall.”

LAFF TODAY. Niregaluhan ng isang lalaki ang kanyang misis ng bracelet. Tinanong ng misis ang kanyang asawa kung bakit bracelet, sumagot ang lalaki ang sinabing, “Apat na letra kung bakit ko binili sa’yo ‘yan.” “Dahil LOVE mo ako?” tanong ng misis. “Hindi, SALE kasi.” At least naging totoo ang lalaki sa kanyang misis. (Fr. Bel San Luis, SVD)