Laro ngayon

Angeles City

5 p.m. Barangay Ginebra vs. Blackwater

Barangay Ginebra kontra Blackwater.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Patuloy na buhayin ang tsansa na makausad sa quarterfinal round ng 2016 PBA Philippine Cup ang tatangkain ng Blackwater sa kanilang pagsalang kontra crowd favorite Barangay Ginebra sa Petron Saturday Special ng liga na gaganapin ngayong hapon sa Angeles City, Pampanga.

Ganap na ika-5 ng hapon ang salpukan ng dalawang koponan kung saan kinakailangan ng Elite na gapiin ang Kings upang makabalik sa win column at makakuha ng momentum tungo sa kanilang huling talong laro na kailangan din nilang walisin para siguruhin ang pag-usad sa playoff round.

Ang huling tatlong laro ng Blackwater ay kinabibilangan ng laban nila sa Barako Bull sa Disyembre 11, Star sa Disyembre 18 at Mahindra sa Disyembre 20.

Manggagaling ang Elite sa apat na sunod na kabiguan, pinakahuli sa kamay ng Globalport Batang Pier noong Nobyembre 29 sa iskor na 105-120.

Para naman sa Kings, hangad nitong kumalas mula sa kinalalagyang 3-way tie sa ikalimang posisyon hawak ang patas na barahang 4-4, panalo-talo, kapantay ng NLEX at Barako Bull at makabalik din sa kanilang winning track kasunod ng nalasap na huling kabiguan sa iskor na 86-94 sa kamay ng Rain or Shine Elasto Painters.

Nasa ikapitong puwesto taglay ang barahang 1-6, panalo-talo, isang panalo ang pagkakaiwan sa nasa unahan nilang Mahindra at Star, sisikapin ng Elite na umangat upang palakasin ang tsansang makasa sa walong koponang uusad sa quarterfinals.

Sa panig naman ng Kings, kaya pa nitong humabol sa insentibong twice-to-beat para sa third at fouirth team na tatapos sa eliminations kung maipapanalo ang huling tatlong laro sa eliminatiuons kabilang na ang labang ito sa Elite at sa NLEX Road Warriors sa Disyembre 13 at Talk ‘N Text Tropang Texters sa pagtatapos ng elimination round sa Disyembre 20 at umasang hindi hihigit sa pitong panalo ang mga sinusundang koponan sa unahan kinabibilangan ng TNT (4-3), Globalport (5-3) at Rain or Shine (6-1)