KAHIT marami ang nagpapalagay na si Pokwang na nga ang bagong comedy queen sa bakuran ng ABS CBN, malaki ang kanyang paniniwala na nag-iisa pa rin sa naturang trono ang kaibigan niyang si Ai Ai delas Alas.

Para kay Pokwang, wala pa ring maaaring pumalit kay Ai Ai kahit nasa kabilang istasyon na ito.

“Sana tigilan na nila ang pagsasabing ako na ang bagong comedy queen dahil sa, hindi sa ayoko sa titulong ‘yan, eh, tatak Ai Ai na ‘yan. Siya lang naman ang p’wedeng tawaging comedy concert queen,” sey ni Ms. P nang makatsikahan namin sa selebrasyon ng Thanksgiving Day habang kapiling ang kanyang American actor boyfriend na si Lee O’Brien.

Kaya doon sa mga nang-intriga na feel na feel daw niya ang naturang titulo, gustong iparating ni Pokwang sa kanila na, dahil never naman daw niyang inilusyon na maging kapalit ni Ai Ai delas Alas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ni Pokwang, isa siya sa nalungkot nang lisanin ni Ai Ai ang Kapamilya Network bagamat masaya na rin siya dahil maganda ang takbo ng career ng huli.

Samantala, aminado naman si Pokwang na hindi raw ganu’n kalakas ang kinita ng pelikula niyang Wang Fam pero nagpapasalamat siya sa mga nanood at sa mga kaibigan niyang sumuporta sa naturang pelikula.

“Nagulat nga po ako kay Dawn Zulueta dahil nagpa-block screening siya para sa pelikula namin. Pati na kay Vice Ganda, siyempre sino ba ang hindi mata-touch sa suportang ibinigay nila sa akin, di ba?” balik-tanong pa sa amin ni Pokwang.

Nagpa-block screening si Dawn dahil fan pala ito ng love team nila ni Lee O’ Brien.

Pagkatapos ng Wang Fam, mapapanood uli si Pokwang sa filmfest movie na pagbibidahan nina Kris Aquino, Bimby, Kim Chiu, Xian Lim at iba pa. Titser ni Bimby ang papel na gagampanan ni Pokie. (JIMI ESCALA)