Isinusulong ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na magdaos muli ng isang “Year of Mercy” concert, kasabay ng anibersaryo ng kanyang pagkakatalaga bilang arsobispo ng Maynila, para makalikom ng pondo para sa matatanda at may karamdaman.

Sa isang liham, sinabi ni Tagle na idaraos ang concert sa Meralco Theater sa Disyembre 12.

“For the Jubilee Year of Mercy, the Archdiocese of Manila hopes to come to the aid of the sick and the elderly. We know for a fact that the poor have very little income and the little that they have is spent largely on food.

Nothing is saved for medical emergencies,” anang cardinal.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“With a special fund for them, which we can hopefully start in this Year of Mercy, the Archdiocese can joyfully give them assistance and care,” aniya pa.

Batay sa 2013 survey record, aabot sa 55 porsiyento ng mga Pinoy ang nahihirapang tugunan ang kanilang pangangailangang medical, kaya nais ng Cardinal na makatulong sa mga ito.

Ipagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Jubilee Year of Mercy mula Disyembre 8, 2015, Solemnity of the Immaculate Conception, hanggang sa Nobyembre 20, 2016, Solemnity of Christ the King.

Sinabi ng Cardinal na itinakda ni Pope Francis ang espesyal na taong ito upang palakasin ang “sense of mercy at compassion” ng mga nananampalataya sa paniwalang kaunting malasakit lamang ang kailangan upang maging mas patas ang mundo para sa lahat. (Mary Ann Santiago)