Magandang balita sa mga may-ari ng karinderya at maybahay sa bansa.

Nagpatupad kahapon ng big-time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang retailer group na LPG-Marketers Association.

Sa pahayag ni LPGMA Representative Arnel Ty, tatapyasan ng P3 ang presyo ng kada kilo ng LPG.

Mabibili na sa halagang P460 ang bawat 11-kilogram na tangke ng cooking gas, dahil sa patuloy na pagbaba ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Asahan ang pagsunod ng ibang kumpanya sa bawas-presyo sa LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Noong Nobyembre 2, nagtaas ang Petron ng P2.95 sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas, habang P1.65 naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng Xtend Auto-LPG nito. (Bella Gamotea)