Hinablot ni 2-time Olympian Hidilyn Diaz ang tatlong tansong medalya noong Lunes ng umaga upang maging ikalawang pambansang atleta na nakapagkuwalipika sa kada apat na taong 2016 Rio Olympics sa ginaganap na 82nd Men’s and 25th Women’s World Weightlifting Championships sa George R. Brown Convention Center sa Houston, Texas.

Pinatunayan ng 24-anyos na si Diaz na hindi pa tapos ang kanyang panahon para sa inaasam na unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olimpiada matapos hindi lamang maging pinakaunang Pilipinong atleta na nakatuntong sa tatlong sunod na edisyon ng kada apat na taong Olimpiyada kundi pati na sa inaasam na unang ginto sa Olimpiada.

Unang binuhat ni Diaz na lumahok sa women’s 53kg division ang 96kg sa snatch para tumapos na ikatlong puwesto bago bumuhat ng 117kg sa clean and jerk para sa kanyang ikalawang tanso. Ang kanyang kabuuang 213kg total lift na may katapat din na tansong medalya ang nagkuwalipika naman dito sa sa 2016 Olympics sa Brasil.

Napunta ang ginto sa snatch kay Xiaoting Chen ng China na bumuhat ng 101kg habang ang pilak kay Shu-Ching Hsu ng Taipek na iniangat din ang kabuuang 96kg sa ikalawa nitong attempt.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napunta naman ang ginto sa clean and jerk kay Hsu matapos buhatin ang 125kg habang napunta ang pilak kay Chen na nagkasya sa binuhat na 120kg.

Mababa sa personal best ni Diaz ang kanyang mga nabuhat na kategorya kung saan hangad nito na iangat ang 100kg sa snatch at mas mataas sa 120kg sa clean and jerk upang lampasan ang personal best nito na 220kg.

Tatlong gintong medalya ang nakataya sa bawat kategorya sa IWF World Championships kung saan isa ang para sa snatch, isa sa clean and jert at isa para sa kabuuang nabuhat na bigat.

Sa kabuuan, mayroong siyam na medalyang pinaglalabanan kada kategorya kung saan tanging kailangan nina Diaz at Colonia na makapagwagi ng alinman medalya upang makapagkuwalipika sa susunod na taong Rio Olympics. Una ng nakalahok si Diaz noong 2008 Beijing Olympics bilang wild card entry bago lehitimong nakapagkuwalipika sa 2012 London Olympics.

Matatandaang, pinakaunang nakapagkuwalipika sa Rio Olympics ang trackster na si Erich Shauwn Cray na nakapasa sa qualifying standard sa 400m hurdles. (Angie Oredo)