BELGRADE, Serbia (AP) — Biglang isinara ng karamihan ng mga nasyon sa Europe ang kanilang mga hangganan noong Huwebes sa mga hindi nanggaling sa mga bansang may digmaan gaya ng Syria, Afghanistan o Iraq, iniwang stranded Balkan border crossings ang libu-libong katao na desperadong magkaroon ng magandang buhay sa Europe.

Hindi na pinapayagan ng Macedonia, Serbia, Croatia at Slovenia ang mga tinatawag na economic migrant na ang mga bansa ay hindi sinalanta ng digmaan. Para makatawid, ang mga asylum-seeker ay kailangang magpakita ng mga dokumento na nagpapatunay na sila ay nagmula sa Syria, Afghanistan o Iraq — na karamihan sa kanila ay hindi na magawa , kahit na totoong nanggaling sila sa mga estadong ito.

Sinabi ni Dariush Yazdani, 25, mula Tehran, na determinado siyang makarating ng Germany at makulong kaysa bumalik sa Iran. “I will never go back,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'