Matapos ang isang linggong pagmamanman, sinalakay ng mga operatiba ng National Capital Regional Office (NCRPO) ang isang shabu tiangge sa Bgy. Sto. Cristo, Quezon City at naaresto ang tatlong may-ari ng drug den, iniulat kahapon.

Naaresto at nakapiit ngayon sa detention cell ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sina Michael Tangonan alyas “Junior”, Warren Sosmena alyas “Bokbok” at Weljeportes Sosmena alyas “Jay”, pawang residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska sa anti-narcotics raid ang 66 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000 at mga drug paraphernalia.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 ng hapon kamakalawa nang salakayin ng mga operatiba ng Regional Anti–Illegal Drugs Special Operation Task Group (RAID-SOTG) sa pamumuno ni P/Supt. Roberto Razon ang drug den na siya ring shabu tiangge sa Palawan St., Bgy. Sto Cristo, Quezon City. Naaresto ang 24 katao.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon kay P/Supt. Razon, ito ay bahagi ng kampanyang Oplan Lambat Sibat ng NCRPO laban sa iligal na droga sa Metro Manila. (Jun Fabon)