Walang ibinigay na cash allowance sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na itinalaga para magbigay ng seguridad sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015.

Nilinaw ng pamunuan ng PNP na food package lamang ang natanggap ng bawat magbabantay sa mga pagpupulong sa APEC.

Inihayag din ni Chief Supt. Wilben Mayor, director ng PNP-Public Information Office (PNP-PIO), na gumawa na sila ng mga hakbang para maiwasan na may mga pulis na magrereklamo na nakatanggap sila ng panis na pagkain.

Sinabi ni Mayor na kumuha na sila ng caterer na mangangalaga sa pagkain ng mga pulis kaya pareho-pareho ang menu na ibibigay sa kanila at matiyak na maayos ang pamamahagi at tamang pagkain ang natatanggap nila. (Fer Taboy)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji