MALAGIM at kasumpa-sumpa ang ginawang pag-atake ng umaaming Islamic State o IS sa Paris. Sa isang iglap, 129 na katao ang nasawi, 350 ang sugatan at 100 sa mga ito ay kritikal. Isa itong kasumpa-sumpang aksiyon ng mga taong walang pagpapahalaga sa kapwa at walang kinikilalang Diyos.

Isang araw bago ang pangyayaring iyon sa Paris, isang double suicide bombing ang kumitil sa 43 katao habang 240 ang sugatan sa Hezebola controlled Shia southern Beirut.

Bago ang pambobomba sa Paris ay marami ng pag-atake ang naganap sa kung saan-saang dako ng daigdig maging sa malalaki at mauunlad na bansa. Nangangahulugan na ang mga teroristang may kagagawan nito ay walang sinaalang-alang, mahirap man o mayamang bansa.

Sa mga pangyayaring iyon, dapat ng mag-aral at mag-isip ang ating gobyerno at mga mamamayan. Wag maging kampante ay hayaang maganap ang mga nangyari sa ibang bansa. Maging mahigpit na sana ang ating kinauukulan sa pagbabantay sa mga hangganan ng ating bansa. Hindi na tayo dapat magtulug-tulugan at magbingi-bingihan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Napakaluwag ng ating security measures. Sa simpleng bilibid prison na lamang sa Munti ay napalulusot ang mga refrigerator, air conditioner, at maging ang matataas na kalibre ng armas. Sa NAIA ay mas mahigpit tayo sa mga nagsisialis na mga Pinoy galing at patungo sa ibang bansa. Ang inuuna natin ay ang pagtatanim-bala. Pinalulusot maging ang mga may dalang droga kapalit ng malaking halaga.

Napapaligiran ng mga isla ang ating bansa at maraming puwedeng daungan o lunsaran ang sinumang gustong maghasik ng lagim. Kaya ba nating bantayan o higpitan ang pagbabantay sa mga islang ito? Malupit ang ISIS at mapaminsala sa buhay at maging sa ating kabuhayan.

BIRONG PINOY

TINIDORA: Ate, hindi ka ba natatakot sumakay sa LRT at MRT?

NIDORA: Hindi naman, bakit?

TINIDORA: Hindi ba laging NASISIRAAN iyan at nung minsan ay muntik pang tumalon sa EDSA?

NIDORA: Oo, lagi ngang NASISIRA, pero sanay na ako. Isa lang naman ang kinatatakutan ko eh.

TINIDORA: Ano ate?

NIDORA: Ang MASIRA ang ulo ni ABAYA (ROD SALANDANAN)