Depresyon na dulot ng karamdaman ang hinihinalang nag-udyok sa isang 45-anyos na lalaki upang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanyang bahay sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital si Crizaldo Mamano, may asawa, ng No. 1070 Barangay 184, Zone 19, Maricaban.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Christopher Nero, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, dakong 12:45 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabitin at nakapulupot sa leeg ang mahabang nylon cord na nakatali sa kisame.

Laking gulat ni Val, kapatid ng biktima, nang matagpuang nakabigti ang kanyang kuya kaya mabilis niyang pinutol ang nylon cord at humingi ng tulong sa mga kapitbahay para madala sa pagamutan ang kapatid, subalit binawian na ito ng buhay.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nitong Linggo ng hapon lang nakalabas sa nabanggit na ospital si Mamano dahil sa sakit na anemia, na matagal na umano nitong idinadaing. (Bella Gamotea)