GENEVA (AFP) — Nagkasundo ang mga nasyon sa mundo sa isang makasaysayang kasunduan noong Miyerkules na gumamit ng mga satellite para sundan ang mga biyahe ng eropleno, na maaaring maging susi para maiwasang maulit ang misteryosong paglaho ng flight MH370 noong Marso 2014.

Nagpagkasunduan ito ng mga nasyon sa isang kumperensiya na inabala ng International Telecommunication Union (ITU) ng United Nations na naglalayong pagbutihin ang kasalukuyang civilian flight-tracking system na umaasa sa ground-based radars.

Dumalo sa pagpupulong, tinatawag na World Radiocommunication Conference (WRC), ang mga kinatawan ng mahigit 160 nasyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'