Tatlong araw bago tumulak si Bro. Jun Banaag aka Dr. Love patungong Holyland for a pilgrimage ay nagwagi ang kanyang progrmang Dr. Love, Always and Forever sa DZMM ng parangal bilang Best Entertainment Program mula sa Catholic Mass Media Award.

Todong pinasalamatan ni Bro.Jun ang kanyang producers na sina TJ Corria at Sheila Cubrerenal at sampu ng buong staff na nagre-research ng mga lumang awitin ng nirerequest na patugtugin.

Ibinalik niya ang pasasalamat sa kanyang libu-libong tagapakinig na laging nakatutok sa mga awiting niluma na ng panahon Agad nag-text ng kanilang pagbati ang Timeless Diva Dulce at beteranang aktress Ms. Gina Pareno na bagong “suki” ng palatuntunan.

Buong pagmamalaking ipinakita ni Dr. Love ang natanggap na trophy mula sa itinuturing niyang isa sa mga iginagalang na award giving bodies.Para kay Dr. Love, ang tinamong parangal ay magandang pabaon sa kanilang pilgrim tour at maagang pamasko.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, on leave si Dr. Love sa dalawa niyang sikat na shows upang maging spiritual guide sa Holyland tour.

Dalawang linggo siyang mami-miss ng kanyang mga tagasubaybay. (REMY UMEREZ)