NEW WASHINGTON, Aklan - Nagsagawa ng fluvial protest ang ilang mangingisda sa Aklan para ipahayag na hindi pa rin sila nakakabangon dalawang taon makaraang manalasa ang bagyong ‘Yolanda’ sa lalawigan noong Nobyembre 8, 2013.

Ayon kay Antonio Esmeralda, mangingisda, umaabot sa 17,000 maliliit na mangingisda sa lalawigan ang hindi pa nabibigyan ng karampatang tulong, gaya ng pabahay, pagkain at iba pa.

Isinagawa ang fluvial protests bilang paghahanda sa serye ng protesta sa Aklan hanggang sa ikalawang taong paggunita sa Yolanda sa Linggo.

Halos 40 bangka, na karamihan ay yari sa fiber glass, ang binasbasan ng isang pari bago pumalaot ang mga ito sa Lagatik River sa New Washington para sa fluvial protest. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!