CONCEPCION, Tarlac - Matagumpay at nagpositibo ang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Sta. Maria, Concepcion, Tarlac, at nalambat ang tatlong hinihinalang drug pusher sa nasabing lugar.

Ang operasyon ay inantabayanan ni SPO1 Arnel Cruz para madakip sina Rosalie Arceo, alyas Sally, 36, biyuda; Louie Yusi, 32; at Romeo Arceo, 47, pawing taga-Bgy. Sta. Maria.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aries Turla, nagbenta si Arceo ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.125 gramo ng hinihinalang shabu kay PO2 Rofel Garcia na nagkunwang buyer.

Sina Louie at Romeo ay naaktuhan namang nagpa-pot session at nakumpiskahan ng anim na transparent plastic sachet na may 0.311 gramo ng hinihinalang shabu, at dalawang plastic sachet ng dried marijuana leaves na tumitimbang ng 7.469 gramo. Bukod pa ang nakuha kay Arceo na isang plastic sachet na may 0.169 gramo ng shabu.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakakumpiska rin ang awtoridad ng isang .38 caliber revolver na may tatlong bala. (Leandro Alborote)