Hindi sa mga dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay nanggaling ang santambak na basura na nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang libingan sa Metro Manila sa nakalipas na mga araw kundi sa mga squatter.

Sa pagpapatupad ng “Oplan Kaluluwa” ng MMDA, sinabi ng mga opisyal ng ahensiya na aabot sa 26 na sementeryo ang kanilang sinuyod at tone-toneladang basura ang nahakot ng mga street sweeper at volunteer group nitong Oktubre 26-31.

Ayon kay Francis Martinez, ng MMDA Metro Parkway Clearing Group, aabot sa 419 na tonelada ng basura o katumbas ng 142 truck ang nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila.

“Nakalukungkot po na maraming tao ang ginagawang tapunan ng basura ang mga libingan,” ayon kay Martinez sa panayam ng DZBB.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Aniya, isa sa mga sementeryo ang nakuhanan ng isang truck ng basura bago pa ang Araw ng mga Patay at Araw ng mga Kaluluwa.

“Marami sa mga sementeryo na aming binisita ang ginawang tirahan ng mga informal settler, tulad ng North Cemetery, South Cemetery at iba pang libingan sa Pasay at Baesa,” aniya.

Ginagawang dahilan umano ng mga squatter sa kanilang pamamalagi sa mga libingan ang kawalan ng pera para ipambayad ng upa sa bahay. (ANNA LIZA VILLAS-ALVAREN)