NAGPANUKALA na si Valenzuela Congressman Sherwin Gatchalian na imbestigahan ng Kongreso ang maanomalyang “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kailangan daw na matigil na ito dahil “international embarrassment” ito sa ating bansa. Napakatapang na, aniya, ng hiya ng mga nasa Office of Transportation Security (OTS). Binibiktima nila, hindi lang ang mga manggagawa natin sa ibayong dagat (OFW), kundi maging ang mga dayuhan.

Nauna rito, inaresto ng mga taga-OTS ang OFW na si Gloria Ortiñez dahil nakitaan umano ng isang bala sa bagahe.

Sumunod naman ay ang Hapong turista na si Kazunubo Sakamato, dalawang bala naman. Dalawang bala rin ang natagpuan sa bag ng US missionary na si Lan Michael White. Nagreklamo pa si White na hiningian daw siya ng P30,000 para hindi ituloy ang habla sa kanya. Viral na sa social media ang mga larawan ng mga pasahero na binalot ng plastic ang kanilang mga bagahe. Nakasulat sa mga ito ang kanilang pakiusap sa mga airport staff na huwag taniman ng bala ang mga ito.

Hindi maganda para sa ating bansa ang nangyayaring ito. Ang paliparan ang pinakamukha ng ating bansa. Dito masasalamin ng mga nasa labas kung anong uri tayo ng mamamayan. Paano tayo magiging epektibo sa pakikipag-agawan sa mga kapwa natin bansa sa pag-akit sa mga dayuhan para magbakasyon at magliwaliw sa atin? Kahit na ba maipakita mo sa mga dayuhan ang magagandang tanawing puwede nilang dalawin, kung sa mga paliparan natin ay ganito naman ang nababalitaan nila. Maeenganyo mo ba silang pumarito kung mayroon silang pinangangambahan?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kaya tama si Congressman Gatchalian. Maimbestigahan kaagad ito upang mabatid ang katotohanan at matuldukan na ang hindi magandang naiuulat na nangyayari sa ating paliparan. Totoo man ito o hindi ay malaking dagok sa ating industriya ng turismo. Eh, ito pa naman ang isa sa pinagkakakitaan ng ating gobyerno. Bagamat Vice Chairman ng House committee on tourism si Gatchalian, nababahala rin siya para sa kapakanan ng mga mamamayan nating nangingibang bansa. Hindi katanggap-tanggap sa kanya na kabilang sa mga nagrereklamong biktima ng tanim-bala ay ang mga OFW na iniiwan ang pamilya at lumalabas ng bansa para magtrabaho. Hindi lang ang kanilang pamilya ang nakikinabang sa kanilang paghihirap kundi pati ang gobyerno. RIC VALMONTE)