NAKIPAG-PARTNER ang ABS-CBN Digital Media Group sa PLDT Home DSL para sa kanilang kauna-unahang Push Awards na magaganap ang awards night sa November 10 sa Resorts World Manila.  

Present sa contract signing at launch si Gary Dujali, PLDT Vice President & Marketing Head with ABS CBN executives Richard Reynante at August Benitez.  

Ayon kay Mr. Dujali, ang partnership ay nagpapakita lamang ng kahalagahan ng social media sa entertainment para sa Filipino families.

“Excited kami sa partnership na ang PLDT Home DSL, na number one sa home broadband, ay sisiguraduhin sa mga avid fans ng celebrities na kasali sa first Push Awards ay makukuha nila ng updates tungkol sa contest,” sabi pa ni Gary. “Mayroon din kaming treat sa mga fans and their families, dahil magbibigay kami ng tickets sa lucky fans ng exclusive seats sa awards night sa pamamagitan lamang ng pag-like o pag-follow sa @PLDTHome sa Facebook, Twitter at Instagram sa paggamit ng #HOMEDSLxPUSHAWARDS.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ini-release din nila ang list of nominees sa iba’t ibang categories. Ang nominees with the highest number of votes sa bawat category ang mananalo. 

Matagal nang nagsimula ang pagboto sa Push Awards at magtatapos na ito ngayong November 3. Wala pa kaming balita kung isasama nila sa contest ang AlDub love team, na sabi nila noong presscon ay may inaayos pa sila. Ang AlDub ay endorsers ng TNT (Talk ‘n Text) ng Smart na kalaban ng PLDT.— (Nora Calderon)