Malaki ang posibilidad na uulanin ang paggunita ng All Saints’ Day ngayong araw sa Luzon at Visayas, ayon sa Philippine Atmopsheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na special weather outlook ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon, at Visayas na inaasahang tatagal hanggang Martes.

Idinahilan ng PAGASA ang pag-iral ng malakas na easterly winds at tail-end ng cold front.

Pinayuhan din ng ahensiya ang publiko na magdala ng payong o iba pang panangga sa ulan sa pagdalaw ng mga ito sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Gayunman, sinabi ng PAGASA na mararanasan pa rin ang pag-iral ng mainit at maalinsangang panahon, bukod pa sa isolated thunderstorms sa dakong hapon at gabi.

Nilinaw kahapon ng PAGASA na wala pa silang namamataang sama ng panahon sa bisinidad ng Philippine area of responsibility (PAR) na maaaring mabuo bilang bagyo at pumasok sa bansa. (ROMMEL TABBAD)