TANAW sa mga mata ng karamihan ang kawalan ng pag-asa. May animong lihim ang bawat Pilipino na taimtim nitong pinagkakaingatan na sa pagkrus ng mata-sa-mata, agarang unawa ang suklian ng isang kapatiran kahit tikom ang bibig.

May kasiguruhan na magpalit man ang mga pangalang tinatayaan sa mala-peryang halalan, dadayain ulit ng kasakiman ang ating mga munting pangarap para sa bayan. Hindi madalang ang mga katagang “Walang magbabago” sa lansangan, kanto, kuko ng liwanag, kahit sa kubo ng kanayunan. Sa hiram na dighay ni Nora Aunor sa isang obra tumpak na isigaw na-- “Walang himala!” Nabasag na ng maka-ilang ulit ang mala-birheng puri at pananampalataya ng karamihan sa huwad na asal at panggagamot sa sakuna sa ginampanang papel ni Aunor sa pelikula.

Ang sineng, salamin ng katotohanan sa ibang pamamaraan ng pagtatanda. Nadantayan ang ating sariling mga pinagdaanan, at namulat ang karamihan, bagama’t may iba pa ring tumatangging tanggapin, sila’y mistulang kinakasangkapan sa bandila ng pansariling layunin. Simulain kuno na nag-kolorete sa bato-balani ng kabutihan, kaayusan, na hitik sa pangako at kasikatan. Nakakahalina ang mga ganitong uri ng mga “barker”.

Sa jeep, sa perya, higit sa pambansang pulitika nagmumuni-muni ang mga payasong hindi makabasag-pinggan tuwing kaharap ang mga botante lalo sa panahon ng kampanya at halalan. May kanya-kanyang makulay na panabit at kataga. Halimbawa, “Tuwid Na Daan”. Hindi ba kumita na ito? Uulit pa ba? May “Part 2”? Ilang mga kababayan na ba?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mga “nawawala” at naubusan ng loob ang lumapit at humingi ng direksyon tungo sa dako pa roon upang makamtan ang busilak na landas? Pakimkim kong sagot ay, “Malaki ang suliranin ng bansa, subali’t madali lang ito ayusin.

Magtiwala kayo, hindi mahirap patakbuhin ang Pamahalaan”. Nabibigkas ko ito ng walang pag-iimbot dahil ang isip ko ay nasa puso, at hindi sa bulsa. Lahat may solusyon! Angmahirap sa ilang tumatakbo ngayon, akala nila puso lang ang mahalaga. Pwede na raw. Ang iba naman utak lang? Yung iba, basta sikat?

Malinaw ang wika ko – may utak (talino) na nakatuon sa puso, at hindi nakalayun sa bulsa! Mahalaga may pilosopiya siya na: Takot sa Diyos at katinuan na lahat tayo’y papanaw. May maghuhukom sa dukha, mayaman, pulitiko at pangulo, sa payak na payo ko. Sa panahon ngayon, ang pagbabago ay magsisimula sa pulitiko. Gamutin ng doktor ang kanyang sarili!