Sinuspinde ng Bureau of Corrections (BuCor) ang conjugal visit ng mga misis ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kasunod ng insidente ng pamamaril at pagkakadiskubre ng mga armas sa nasabing pasilidad.

Sinabi ni Monsignor Roberto Olaguer, tagapagsalita ng BuCor, na sinuspinde ang stay-in privilege na itinakda nitong Oktubre 24.

Ang mga misis ng mga bilanggo ay pinahihintulutang mag-overnight sa NBP tuwing ikalawang Sabado ng buwan. Hindi naman sinuspinde ang regular na arawang pagbisita.

Sinuspinde ang conjugal visits matapos na mabaril at mapatay si Charlie Quidato, dating warden ng Masbate City Jail, ng kapwa niya bilanggo na si Ronald Catapang, sa selda ng una sa Building 9D2 nitong Oktubre 22. Kapwa miyembro ng Commando Gang ang dalawa.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sentensiyado si Quidato dahil sa pagpatay kay Masbate City Mayor Moises Espinosa.

Sinabi ni Olaguer na sasailalim si Catapang, na umamin sa pagpatay kay Quidato, sa paraffin test at kakasuhan ng dalawang bilang ng homicide. Magsasagawa rin ng ballistic test.

Matapos ang pamamaril, ininspeksiyon ng pamunuan ng NBP ang Building 9D2—na tinutuluyan ng Commando Gang—at natuklasan nila ang mga baril, bala, granada, alahas, at isang Parrot AR drone. (Jonathan Hicap)