Ejay copy

TAMPOK sa bagong Wansapanataym special na “I Heart Kuryente Kid” sina Ejay Falcon at Alex Gonzaga na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Ginagampanan ni Ejay ang karakter ni Tonio na nagkaroon ng superpowers nang tamaan ng kidlat.

Nakaka-relate si Ejay sa role dahil bago siya nagkaroon ng power, siya ang tumatayong breadwinner sa pamilya.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Sa totoong buhay, siya ang kumakayod para sa kanyang pamilya.

“Panganay din po ako at meron din akong mga kapatid pero ano siya, parang parehas kami, parang ang bilis kong nakahugot sa mga karakter na ito dahil sa kuwento ni Tonio.

Breadwinner din ako, ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko,” kuwento ni Ejay.

Ang kanyang pamilya ang inspirasyon niya to work hard.

Nais niyang iangat ang mahirap na buhay na kinagisnan ng pamilya nila at makatikim ng ginhawa sa buhay.

“Masasabi ko na parang mabuti akong tao kasi bago ako gumawa ng hindi magagandang bagay, pinag-iisipan kong mabuti kasi ayaw kong mawala sa akin itong ibinigay sa akin.

So ayokong maapektuhan ang family ko, mga kapatid ko,” pahayag ni Ejay.

Ipinagmamalaki ng hunk actor na malapit nang makapagtapos ng kurso ang dalawang kapatid na pinag-aaral niya.

“Nakaka-proud kasi meron akong kapatid na magtatapos.

Ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko.

Parang ‘yun na talaga ‘yung premyo sa lahat ng paghihirap ko.”

Isa sa mga dapat hangaan kay Ejay ay ang pagbabalik-tanaw niya sa naging buhay niya sa Mindoro.

Nais niyang mag-share ng blessings at ginagawa niya ito sa paraang kaya niya.

Gaya ng pagkakaroon ng liga ng basketball at gift-giving sa kanilang lugar tuwing December 26-31.

“Nagpapa-basketball, nagpapaliga every December 26 to December 31 and every December 31, nando’n kami lahat sa basketball court at lahat ng endorsements ko ‘yung mga sponsors, ‘yung mga gift sa akin, ibinibigay ko sa lahat ng mga tao, ‘yung mga giveaways ‘yung iba nagpapa-raffle.” pagmamalaki ni Ejay.

Dahil kakaibang saya ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang kasiyahan ng bawat nakakatanggap ng kahit na mumunting regalo mula sa kanya tuwing sumasapit ang Kapaskuhan.

“Naranasan ko noong bata ako dati ‘yun nga... parang humingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati.

Nakikita ko ‘yung mga bata ngayon na wala ‘yung mga parents nila, walang mabigay, so ako ‘yung parang kahit simpleng pabango, simpleng sapatos ibinibigay ko sa kanila.

Ang sarap sa feeling na ginagawa ko siya for five years na.” 

Sa katunayan, may shows abroad siyang tinatanggihan kapag pumapatak ang imbitasyon sa araw ng kanyang paliga na naging panata na niya sa mga kabarangay.