Nanawagan sa publiko ang environmental group na EcoWaste Coalition na gawin ang vegan lifestyle, na tinatawag na “Green Lenten sacrifices” sa paggunita ng Semana Santa.

Para sa pagsasakripisyo ngayong Holy Week, iminungkahi ng EcoWaste Coalition ang paglalakad at pagbibisikleta papunta sa mga simbahan para mag-Visita Iglesia, at pansamantalang pagsasantabi sa mga electronic gadget.

Iminungkahi rin ng grupo sa publiko ang hindi pagkain ng karne at pagkain ng gulay lang, o vegan diet, ngayong Semana Santa.

Sa halip din na mag-outing o mamasyal ang pamilya, inihayag ng EcoWaste na mas makabubuti kung itabi na lang ang perang gagastusin o i-donate sa mga charitable institution.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hinihimok din ng grupo ang publiko na huwag gumamit ng mga plastic bag, plastic bottle, at iba pang gamit na disposable at sa halip ay gumamit ng bayong, paper bag at magdala ng mga water bottle habang nagbi-Visita Iglesia.