KAKAIBA ang report ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) tungkol sa tunay na pangyayari sa Oplan Exodus kumpara sa mga ulat ng PNP Board of Inquiry at ng Senado na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.

Sa report ng MILF na isinumite rin sa Malaysia, inakusahan ang PNP Special Action Force (SAF) ng paglabag sa ceasefire agreement ng gobyerno at ng MILF. Iginigiit ng MILF na ang unang nagpaputok ay SAF commandos na ikinamatay agad ng dalawang miyembro nito.

Sinabi ng MILF na dapat kasuhan si PO1 Christopher Lalan, ang lone survivor, dahil pinatay niya ang apat na MILF na natutulog noon at isang batang babae habang tumatakbo. Mahigpit itong itinanggi ni ex-SAF commander Director Getulio Napeñas.

Ang ganitong paratang ay cover-up lang umano para pagtakpan ang brutal na pagpatay sa commandos.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, naninindigan si Sen. Grace na ang Gallant 44 (hindi Fallen 44) ay minasaker ng MILF, BIFF at iba pang armadong grupo at hindi ito isang "misencounter." Maging sa BOI report, idinetalye ang brutal na pagpaslang sa nakahandusay at sugatang mga pulis na binaril pa nang malapitan, ninakaw ang mga personal na gamit.

May isa nga raw SAF commando na sumabog ang utak dahil sa malapitang pagbaril at hindi malaman sa autopsy kung saan ang entry at exit point ng bala.

Nagbabala ang Comelec na posibleng bumalik sa manual elections o bilangan sa halalan sa 2016 matapos mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court laban sa P268.8 million extended contract nito sa Smartmatic-Total Information Management.

Samakatwid, balik-"jurassic age" ang sistema ng bilangan ng mga boto matapos ang paggamit ng PCOS machines alinsunod sa automation na isinabatas ng Kongreso. Sana ay malutas agad ang usaping ito sapagkat kung hindi, baka bumalik din ang puwersa ng tatlong G - gold, goons, and guns.