NEW YORK (AP)- Naglaro ang Brooklyn Nets na may intensidad na hindi napantayan ng Cleveland Cavaliers.

Umiskor sina Joe Johnson at Brook Lopez ng tig-20 puntos upang tapyasin ng Nets ang four-game winning streak ng Cavaliers makaraan ang 106-98 victory kahapon.

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 18 puntos para sa Nets, hinadlangan si LeBron James sa dalawang baskets sa second half, kung saan ay napagwagian ng koponan ang ikaanim sa walong mga laro tungo sa kanilang hinahabol na playoff berth. Nakahanay ngayon ang koponan sa ikasiyam na puwesto sa East, may kalahating pagkakaiwan sa likuran ng Boston para sa huling spot.

‘’At this point for us, every game is important. I was glad, man, that we could just come out and get off to a great start and just sustain for 48 minutes,’’ pahayag ni Johnson. ‘’That was the main thing, to just give ourselves a chance. This was definitely a much-needed victory.’’

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Tumapos si James na mayroong 24 puntos at 9 assists sa Cleveland, habang pinamunuan ni Kyrie Irving ang Cavaliers na taglay ang 26 puntos, at itinala ni Kevin Love ang 18 puntos at 7 rebounds.

Napagwagian ng Cavaliers ang unang tatlong pakikipagharap sa season na ito, hinadlangan ang Nets ng halos 17 puntos kada laro. Ngunit ginamit ng Brooklyn ang kanilang depensa sa ikalawang half na sinasabing ang pinakamainit na nagawa ng koponan sa NBA makaraan ang mahigit sa dalawang buwan.

‘’There’s no excuses,’’ pahayag ni James. ‘’That team over there played better than us tonight.’’

At nagawang magtagumpay ng koponan sa sariling tahanan, na ‘di nila nagagawa sa kabuuan ng lahat ng season. Naiangat ng Brooklyn ang 13-20 sa Barclays Center habang naglalaro na wala si starting forward Thaddeus Young sanhi ng pinsala nito sa kaliwang tuhod na magpapanatili sa kanya upang magpahinga.