Chynna Ortaleza

Ni NITZ MIRALLES

MARAMI ang bumilib kay Chynna Ortaleza nang ipagupit ang mahabang buhok para maging makatotohanan sa lesbo role na gagampanan sa The Rich Man’s Daughter. Positive ang feedback ng netizens nang i-post niya ang kanyang litrato na super iksi ang buhok.

Gagampanan ni Chynna ang role ni Batchi Luna, best friend ng karakter ni Glaiza de Castro na ang alam namin, magiging karelasyon ni Marian Rivera sa bagong series ng GMA-7.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naintriga lang kami sa description ng karakter ni Chynna na “isang ama” at “mabuting other wife.” Ibig sabihin, may asawa siya rito at may anak sila. Sino kaya ang gaganap na asawa ni Chynna?

Nagsimula na yatang mag-taping si Chynna ng The Rich Man’s Daughter kahit nagti-taping pa siya ng Second Chances at gumamit na lang ng wig para palabasing mahaba pa rin ang buhok niya.