Binigo ni Amaya Paz Cojuangco, kasama ang Philippine Women’s Compound team, ang India sa finals at itulak ang Pilipinas sa 7 ginto, 1 pilak at 1 tansong medalya sa pagtatapos ng 2015 Asian Archery Cup sa Bangkok, Thailand.

Nagtulong ang inspiradong PH Women’s Compound team sa pagkakadagdag sa gintong medalya nang kulapsuhin ang karibal na India, 224-223, upang kumpletuhin ang produktibong kampanya sa world ranking tournament sa Huamak Field.

Ipinamalas ng mga Pinay ang husay bilang mga top seed matapos na magpahinga muna sa unang laban bago tinalo ang Hong Kong, 224-220, sa quarterfinals at ang kalaban sa SEA Games na Indonesia, 221-210, sa semifinals.

Unang ipinamalas ni Paz-Cojuangco ang galing nang kubrahin ang ginto sa mixed team at pilak sa individual bago binitbit ang koponan, kasama ang nagbabalik na si Jennifer Chan at baguhang si Andrea Robles, sa pagkamkam ng gold medal.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iuuwi ni Paz-Cojuangco ang ginto sa women’s compound individual qualification at pilak sa Olympic Round, gayundin ang ginto na kasama si Jeff Adriano sa mixed compound team qualification at ginto sa Olympic Round.

Mayroon din ginto sina Paz-Cojuangco, Chan at Robles sa women’s compound team qualification at ginto sa womens’ team Olympic Round.

Ang iba nang nakapagbulsa ng medalya ay sina Adriano na may ginto sa men’s compound individual qualification habang nakasama ni Adriano si Earl Yap at Paul dela Cruz sa men’s team compound qualification.

May tanso naman si Chan sa women’s compound individual qualification.