NAPANOOD namin ang video post ni Robin Padilla sa Facebook at sinundan ang last na pagpapa-ultrasound ng asawang si Mariel Rodriguez at sinabi ng attending doctor nito na hindi nga na-develop ang baby nila.

Makikita sa video na nakahiga si Mariel sa bed habang sumasailalim sa ultrasound at maririnig ang sinabi ng doctor na gaya noong ultrasound niya noong six weeks ang baby niya, “The baby did not develop.”

Sinundan ang video noong nasa car na si Mariel na may tinawagan at ipinaalam na hindi nag-grow ang baby niya, at saka umiyak. May sinabi rin siyang maghihintay siya ‘pag nag-bleed siya at nalaman naming hindi pa ipinaalis ni Mariel ang baby sa sinapupunan niya.

May kasunod na post ang video ni Robin. Sabi nito: “Nagkasundo kami ng aking asawa kung kailan dapat mag-anak. Nag-antay kami at nag-plano... Ngunit wala sa amin ang kapangyarihan para magbigay ng buhay... PURIHIN ang nag-iisang Panginoong may likha at ang kanyang kadakilaan.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Parang short film ang video ni Robin dahil may kasunod na parang footnote na, “Thank you for making us happy. Bye Cutie Pie. See you in Heaven.”

Ang latest post naman ni Mariel sa  Instagram ay, “To our dearest Cutie Pie, some say you are too painful to remember, I say you are too precious to forget. Love, Ate Grace, Kuya Kwatro, Tamara, Ram and Red. #byecutiepie.” (Nitz Miralles)