Ipinagdiriwang ngayon ng Namibia ang kanilang National Day na gumugunita sa kasarinlan nito mula sa South Africa noong 1990. Sa pista opisyal na ito, ang mga Namibian na mula sa iba’t ibang tribu ay suot ang kanilang tradisyunal na pananamit at sumasali sa mga parada, street dance at iba’t ibang aktibidad sa mga pangunahing lungsod at lalawigan sa naturang bansa.

Matatagpuan sa southern Africa sa Atlantic coast, kabahagi ng Namibisa sa mga border ang Angola at Zambia sa hilaga, Botswana sa silangan, at South Africa sa timog at silangan. Ang kapital at pinakamalaking lungsod ay ang Windhoek. Kasunod ng Mongolia, pangalawa ang bansa sa least densely populated na nasa 2.54 persons per square kilometer. Ang mayorya ng mga Namibian ay nagmula sa Bantu-speaking origin na namumuhay sa hilaga ng naturang bansa.

Agrikultura, hayupan, at turismo ang mga pangunahing kontributor sa kanilang ekonomiya. Mahalaga rin ang ginagampanan ng pagmimina, kabilang ang pagmimina ng ginto, diamante, pilak, uranium, at ilang base metals. Tinatamasa ng Namibia ang mataas na estabilidad sa ekonomiya, pulitika, at lipunan.

Ang Namibia ay miyembro ng iba’t ibang international at regional organizations tulad ng United Nations (UN), ng Southern African Development Community (SADC), ng African Union (AU), at ng Commonwealth of Nations.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong 1966, naglunsad ang South-West Africa People’s Organization (SWAPO) guerrilla group ng digmaan para sa kalayaan, ngunit noong lamang 1988 sumang-ayon ang South Africa na tapusin ang administrasyon nito sa Namibia, ayon sa UN peace plan para sa buong rehiyon. Natamo ang kasarinlan noong 1990, at isinuko ang Walvis Bay at ang Penguin Islands sa Namibia noong 1994.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Namibia sa pangunguna nina Pangulong Hage Geingob at Prime Minister Saara Kuugongelwa Amadhila, sa okasyon ng kanilang National Day.