HOUSTON (AP)– Kahit ang pinakamaningning na bituin sa nakaraan ng Houston Rockets ay hindi masasapawan si James Harden kahapon.
Umiskor si Harden ng career-high na 50 puntos, kasama ang 10 rebounds, upang pangunahan ang Rockets sa 118-108 panalo laban sa Denver Nuggets sa gabi na ipinagdiwang ng koponan ang ika-20 anibersaryo ng kanilang back-to-back NBA titles noong 1994 at 1995.
Mas ginanahan si Harden ng malaman na nanood mula sa front row sina Hakeen Olajuwon at Clyde Drexler.
‘’That’s a special group right there,’’ sambit ni Harden. ‘’We’re trying to build something special like they did (and) to play a game in front of them was definitely an honor.’’
Ito ang ikasiyam na pagkakataon na mayroong Rockets na nakaabot sa 50 puntos at ang unang beses mula nang magtala si Olajuwon ng 51 laban sa Celtics ay noong Enero 18, 1996.
Nasapawan ni Harden ang kanyang dating career-best na 46, naitala noong 2013, sa kanyang free throws, may 1 minuto pang nalalabi sa orasan. Sa sumunod na possession ng Houston, nakita siya ni Trevor Ariza mula sa sulok at naipasok niya ang isang 3s para sa ika-50 puntos.
‘’It just looked so easy,’’ ani Ariza. ‘’It was like he just woke up and walked out there and had 50. That’s how easily he scored the basketball.’’
Napangiti si Harden nang tanungin tungkol sa 3-pointer na bumuo ng kanyang gabi.
‘’Many, my teammates are amazing,’’ pahayag nito. ‘’Trevor noticed what was going, dribbled right at me, I just said: ‘I’m going to let it fly’ and it went in.’’
Anim na sunod na puntos ng Nuggets ang tumapyas sa kalamangan sa 8, may 5 minuto pang natitira, nang limang sunod na puntos naman ang nakuha ng Rockets, kasama ang step back jumper ni Harden para ilista ang 104-91 iskor. Pitong puntos pa ang naiposte ni Harden upang masiguro ang panalo.
‘’It’s really hard to get 50 points in a game and is not something many people can do,’’ ayon kay coach Kevin McHale. ‘’I was just one of those nights where he had good energy and he was driving hard.’’
Nakakuha ang Houston ng 32 free throws sa larong ito, sa pangunguna ng 22 ni Harden, na pinakamaraming nagawa ng isang manlalaro ngayong season.