Isang babaeng mambabatas mula sa Visayas ang nagpanukala ng komprehensibong programa sa pabahay at dormitory program para sa mahihirap na estudyante, partikular ang mga nagmula sa malalayong probinsiya.

Ayon kay Rep. Aileen C. Radaza (Lone District, Lapu-Lapu City), ang House Bill 535 (Student Housing Act of 2014) ay humihikayat sa pribadong sektor na mamuhunan sa pagtatayo ng mga dormitoryo o housing projects sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga insentibo.

Minamanduhan din ang National Housing Authority (NHA) at ang Commission on Higher Education (CHED) na pangunahan ang “accessibility and affordability of living quarters to students.”
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3