Hindi na magagawa pang dumalo ng isang 12-anyos na mag-aaral sa Grade 6 sa kanyang pagtatapos makaraan siyang mamatay dahil sa tuklaw ng ahas sa Sarangani, iniulat kahapon.

Ayon sa isang kaanak, natuklaw ng ahas sa kamay si Bebe Plaza, estudyante, ng Barangay Supa Tubo, Glan, Sarangani.

Nabatid na naglalakad ang bata kasama ang mga kaibigan nito nang biglang lumitaw sa damuhan ang isang ahas at tinuklaw sa kamay ang dalagita.

Ayon sa saksi, kasing laki ng braso at maputla ang kulay ng ahas na tumuklaw sa biktima.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget