Sa asta ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan at sa suportang ibinigay ng CBCP (lupon ng mga Obispo sa Simbahang Katolika) muling ipapasa ang extension ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) na naglalayong ipagpatuloy ang pagsasailalim ng mga lupain sa buong bansa sa tinaguriang “coverage” ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ibig sabihin tuloy ang raket ng sindikato na ang kuko ay nakabaung malalim sa nasabing programa. Maitutulad ito sa pagbibigay ng palimus sa mga pulubi hal. mga kumakatok sa kotse na bulag, may saklay, o nakatengga din sa labas ng mga simbahan.

Tanging nakikita ng mga Obispo at mga Mambabatas ay ang pobreng namamalimos. Subali’t iwas pansinin, at tinatalikuran ang gampanin na tugisin kung sino ang mga aninong sumusundo sa mga pulubi sa gabi, saan sila sabay-sabay inuuwi, sino nagpapakain, kumakaltas sa kabuuang kolekta nila, at sunod na araw, naghahatid sa kanila, at dating gawi ulit. Tad-tad ng anomalya at tagas ang programa ng CARP.

Pananagutan ng mga taga-pagtaguyod ng CARP na suriing ganap kung tapat at tunay bang napupunta sa totoong benepisyaryo ang mga lupaing ipinamamahagi? Halimbawa, ni minsan hindi natin nasaksihan sa mga pagdinig sa Senado o Kongreso na may magtanong sa DAR kung totoo: 1) May insidente, na ang DAR nagkamaling mamigay ng lupa sa mga taong hindi karapat-dapat mabiyayaan ng CARP?

Ang maari lang isagot ng DAR nito ay “Oo, mayroon”. Imposibleng hindi sila sumablay ni minsan o pang-ilan sa libo-libong ektryang ipinamamahagi. 2) Paano inayos ng DAR ang ganitong kapalpakan? Siyempre dapat bawiin ang lupa at ibigay sa tama? O pinabayaan na lang? 3) Ilang porsiento ang nakatanggap ng lupa kahit hindi sila kasama sa programa? 4) Totoo ba kahit isang ektaryang lupa basta tapat ng highway pinagdidiskitahan ng DAR? 5) May mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan na ginagawaran ng lupa ng DAR? 6) May mga lupain na ayaw mag-“lagay” ay sinisipat, subali’t kapag mga Tsinoy na libo-libong ektarya at “ayos” kausap, ay “exempted”. 7) “Lumad” sa lugar ang naagawan dahil ang ginagawaran ng DAR ang mga nagpalista lang na nagbigay ng P2,000-P3,000? 8) Imbes na Land tillers at farm workers sa mismong lupain ang makinabang sa CARP, mga dayuhan at dayo pa ang namimihasa?
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists