Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways sa Department of Transportation and Communications (DoTC) upang pansamantalang pahintulutan na magamit ng mga motorista ang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Line habang kinukumpuni ang Magallanes Interchange.

Ayon sa DPWH, 12 araw na isasara sa motorista ang Magallanes Interchange upang bigyang-daan ang pagkukumpuni nito sa tag-init.

Kaugnay nito, umapela sina MMDA Chairman Francis Tolentino at DPWH Secretary Rogelio Singson kay DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya para pansamantalang magamit ang bahagi ng PNR Line na katapat ng Magallanes Interchange sa Makati City.

Ayon kina Tolentino at Singson, una silang direktang humiling kay PNR General Manager Joseph Allan Dilay ng temporary access para magamit ng mga motorista ang mga northbound at southbound ramp ng PNR sa harap ng inaasahang pagsisikip ng trapiko dulot ng pagsasara ng Magallanes. Gayunman, tinanggihan ito ni Dilay.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon kay DPWH National Capital Region Director Reynaldo Tagudando, plano nilang simulan sa Marso 30 ang pagpapatuloy ng 24-oras na Stage 2 repair sa Magallanes Interchange.

Sinabi ni Tolentino na maaapektuhan ng pagsasara ng Magallanes ang 40 porsiyento ng 300,000 sasakyang dumadaan sa nasabing kalsada araw-araw.