Dumating na tayo sa panahon ng advanced cellphone technology. Kung kaya mo rin lang, bibili ka ng bagong unit na halos naroon na ang lahat ng feature na kailangan mo at hindi. At hindi ka magdadalawang-isip na gamitin ang high-tech na cellphone mo iyon sa matataong lugar saan ka man abutan ng pangangati mong kalikutin iyon kahit pa nakagagambala ka na ng mga taong malapit sa kinaroroonan mo.
Sa kabila ng pag-abante ng cellphone technology, ang ethics sa paggamit niyon ay nananatiling mailap. Kung iyo rin namang mapapansin, hindi kasama sa User’s Manual ang dapat na asal o responsableng paggamit ng cellphone. Habang mas mainam na huwag na lang pansin ang nakaiiritang cellphone users sa pampublikong mga lugar, may ilang habits na talagang nakaiinis.
Ngunit kung ginagawa mo ang alin man sa mga sumusunod, panahon na upang magbago - nang hindi ka kainisan ng mga taong naaapektuhan mo:
- Paglalaro ng Candy Crush, Bejeweled, at iba pa. - Sa totoo lang naging addict din ako sa Candy Crush. Dahil nga makatawag-pansin ang masasayang tunog ng larong ito, dini-disable ko ang sound ng game o gumagamit ako ng earphone kung hindi ko naman mapigilan ang sarili kong maglaro kahit nakasakay ako sa pampublikong sasakyan - kasi ayaw kong makagambala ng aking mga katabi. Ako man maiirita kung ang katabi ko ay masayang lumilikha ng ingay habang sinisikap kong ipahinga ang aking utak habang nasa loob ng pampublikong sasakyan.
Minsan naman, kung nakasakay ka sa aircon bus at bukas ang TV, may ilan sa atin ang walang habas na naglalaro ng kanilang cellphone na hindi gumagamit ng earphones - kaya labu-labo na ang mga tunog. Ang mga taong hindi na isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanilang kapwa bunga ng kanilang kawalan ng pakialam, ay malamang walang magulang na nagturo sa kanila na galangin ang panonood ng video ng mga pasahero. At kung nanonood ka naman at may naglalaro ng game sa kanyang cellphone na parang nakatodo ang volume, puwede mo siyang pagsabihan at ihanda ang sarili sa komprontasyon. Kapos nga sa edukasyon at bastos ang mga taong ito. Upang hindi ka magalit, asahan mo nang may maiingay na cellphone sa pampublikong aircon bus na sasakyan mo.
Sundan bukas.