Hinihikayat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga nabiktima ng investment scam na lumantad para sa kaukulang aksiyon.

Ayon kay SEC Chairperson Teresita Herbosa, kasalukuyan silang nangangalap ng ebidensiya para papanagutin sa batas ang One Lightning Corporation (OLC), isang kumpanya na nag-aalok ng investment at nagbebenta ng produkto na walang kaukulang permit.

“Persons prejudiced who wish to come forward should come to the Enforcement Department of SEC,” himok ni Herbosa.

Ginawa ni Herbosa ang pahayag matapos lumantad ang isang biktima, na nawalan umano ng aabot sa P400,000.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinikap ng Balita na makuha ang panig ng OLC ngunit hindi nito sinasagot ang tawag sa telepono.