HERE’S HOW ● Para sa isang mangmang, makakikilos lamang siya sa panggagaya ng inaakala niyang mas marunong kaysa kanya. Iyon din ang ginagawa ng mga unggoy at ilang hayop na napatunayang nagtataglay ng katiting na kaalaman dahil sa laki ng utak. Kaya ang asal ng mga hayop ay bunga ng impluwensiya ng mga nakatatanda sa kanila na nagpakita ng mga halimbawa kung paano manghuli ng hayop na makakain o mamitas ng prutas o dahon bilang pagkain.

Sa madaling salita, naipasa nila ang kanilang kaalaman sa kanilang specie ang mga pamamaraan kung paano mamuhay. Natural iyan sa kalikasan. Ngunit ganoon din naman sa tao. Malaki ang paniniwala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-iwan si Malaysian bomb expert Zulifli Bin Hir o mas kilala bilang Marwan ng impluwensiya sa mga lokal na terorista sa Mindanao. Ayon sa isang ulat, naipasa ni Marwan ang mga pamamaraan ng paggawa ng bomba pati na ang karunungang pang-terorista isa iba’t ibang grupo ng rehiyon. Pinalakas din daw ni Marwan ang pagiging radikal ng BIFF, ng Justice for Islamic Movement at iba pang pangkat sa Mindanao na hindi kumikilala sa batas. Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Harold Cabunoc, iginagalang ng AFP ang ulat ng International Personnel Assessment Council (IPAC) na nagsasabing hindi naman bigtime na terorista si Marwan. Na opinyon lamang ito ng IPAC at may basehan sila sa kanilang ulat. ngunit para sa AFP, walang kaduda-dudang malaking isda ang Malaysian bomber dahil sa naging ambag nito sa mga grupong terorista.

***

TSEKAP ● Hindi po ito wrong spelling ng salitang “checkup”. Ito ang katawagan sa bagong programa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na Tamang Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya (TseKap). Pinalalawak na ng PhilHealth ang kanilang serbisyong medikal sa mga miyembro nito lalo na sa maralita. Ayon sa PhilHealth, unang sasakupin ng TseKap ang miyembro at mahihirap na mamamayan at kalaunang iaalok sa lahat ng sektor. Anila, saklaw ng TseKap kasama sa package ang pagpapakonsulta at pagsasailalim sa pagsusuring medikal gayundin ang gamot sa asthma, acute gastroenteritis, upper respiratory tract infection, pneumonia, urinary tract infection, diabetes, hypertension, dyslipidemia, deworming at at sakit sa puso. Kabilang sa serbisyo ang profiling ng pasyente, blood pressure at timbang at iba pa. Sakop ng No Billing Policy ang mahihrap at sponsored ng local government, pribadong grupo o indibiduwal.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras