Makisalo sa liderato ang kapwa tatangkain ng Meralco at Rain or Shine sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magkasalo sa kasalukuyan sa ikalawang posisyon na taglay ang barahang 5-2 (panalo-talo) ang Bolts at ang Elasto Painters sa likod ng solo lider na Talk ‘N Text.

Unang sasabak ang Bolts kontra sa Barako Bull sa ganap na alas-4:15 ng hapon bago sumunod ang Elasto Painters laban naman sa San Miguel Beer sa tampok na laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Tatangkain ng Bolts na bumangon mula sa kinasadlakang dalawang sunod na kabiguan, ang pinakahuli ay sa kamay ng NLEX noong Pebrero 27 sa iskor na 76-89.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inaasahan na maigting na labanan ang mamamagitan sa kanila ng Energy Cola na gaya nila’y hangad ding makabalik sa winning track

matapos ang natamong back-to-back losses na nagpababa sa kanila sa 4th spot katabla ang NLEX, Ginebra at Globalport na pawang may hawak na barahang 4-4.

Kapwa naman galing sa panalo sa nakaraan nilang mga laro, bago ang All-Star Weekend, tatangkain ng Beermen at Elasto Painters na mapasakamay ang back-to-back wins.

Nasa ilalim ng team standings na tangan ang barahang 2-6 para sa solong ikapitong puwesto, hangad ng Beermen na dugtungan ang naitalang ikalawang panalo na naiposte nila sa Barako Bull, 102-91, kahit may kalabuan na ang tsansa nilang umusad sa susunod na round.

“Chances are still there. Although mahihirapan na kaming humabol,” ayon kay San Miguel coach Leo Austria.

“But we’re professionals, even if we’re out we have to play hard, we owe it to the fans,” dagdag nito.

Para naman sa Elasto Painters, target din nilang masundan ang nakamit na 103-91 panalo upang makatabla ang Tropang Texters sa pangingibabaw.

Gaya sa nakaraang panalo, sasandigan nila ang import na si Wayne Chism para pangunahan ang koponan sa pagtatapat nila ng Beermen na ngayon ang reinforcement ay ang dating Governor’s Cup import ng Rain or Shine na si Arizona Reid.

“Jt’s been good with Wayne,and that’s what we expected. Jackson is not a bad import but we’re a lot quicker and more flexible on offense with Chism,” ani coach Yeng Guiao na tinutukoy ang dating import na si Rick Jackson.

Ayon pa kay Guiao, wala rin silang sama ng loob sa dating import na si Reid na siyang nanguna sa koponan sa finals appearance nila noong nakaraang Season 39 third conference.