Isang Fil-American o isang purong Pinay homegrown talent?

Ito ang katanungang sasagutin bukas sa isasagawang 2nd Rookie Draft ng Philippine Superliga (PSL) sa SM Aura sa Taguig City.

Inaasahang makikipag-agawan ang mga Fil-foreign bilang 2015 Top Draft Pick kontra sa papaangat na manlalaro sa bansa na tulad nina Angeli Araneta ng University of the Philippines (UP), Pam Lastimosa ng University of Santo Tomas (UST) at Denise Lazaro ng Ateneo de Manila na kasalukuyang sumasabak sa UAAP.

Nangunguna sa naggagandahang manlalaro ang Fil-Swiss na si Jennifer Salgado at maging ang Fil-Americans na sina Alexa Micek, Kayla Williams, Maureen Loren at Iris Tolenada, na itinala ang kanyang marka bilang unang manlalaro ng San Francisco State University (SFSU) na nagwagi bilang Most Valuable Player sa matinding kompetisyon sa California Collegiate Athletic Association (CCAA).

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Inaasahan din na eentra sa drafting ng natatanging club volleyball league sa bansa ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) standouts na sina Rica Enclona, Janette Panaga, Janine Navarro at Michelle Segodine, na huling nakita sa aksiyon sa Adamson University (AdU).

“I was told that the top three are already sealed. We have roster of talents this season that is so deep that we have no idea who will emerge as top overall pick. Everything remains a mystery,” sinabi ni Ramon “Tatz” Suzara, na ranking executive sa Asian Volleyball Confederation (AVC) at International Volleyball Federation (IVF).

“I’m sure all coaches are doing their homework. They are closely scouting their prospects and keeping an eye on potential star from outside the country. So do not be surprised if our third season out do our first two seasons in terms of competitiveness,” pahayag pa nito.

Hindi na naisakatuparan ng liga ang dalawang araw na pre-draft camp na itinakda noong Marso 6 at 7 dahil marami sa nakatala sa draft ang kasalukuyang naglalaro pa sa UAAP.

Anim na koponan sa kasalukuyan ang mag-aagawan sa draft na kinabibilangan ng Shopinas, Cignal, Foton, Petron, Philips Gold at Zesto. Kasalukuyan pa ring nakikipagnegosasyon ang nag-oorganisang Sports Core sa dalawang koponan na nagnanais maging miyembro na PLDT at Meralco.