Sa harap ng madla na binubuo ng 20,000 katao sa St. Peter’s Square sa Vatican noong Miyerkules, nangusap si Pope Francis tungkol sa pangangailangan na respetuhin ang matatanda. Maraming kultura ngayon ang nakatuon sa trabaho at kita, aniya, kung kaya nababalewala ang panawagan ng Biblia na igalang ang nakatatanda at katigan ang kanilang talino.

Si Pope Francis, na naging kampeon ng maralita at mga nababalewala, ay itinuon ang kanyang talumpati sa isa pang grupo, na kanyang sinabi na maraming modernong lipunan, na nagbibigay-diin sa kahusayan, ang mas nagbabalewala. Ang isang lipunang nahuhumaling sa salapi, aniya, “thinks that the elderly do not produce anything and, therefore, are a burden,” at “they are discarded.”

Ang matatanda ang “reserve of the wisdom of our people,” aniya. “Old people are those who tell us the history of things, who carry forward the faith, and give it to us to inherit…. Where there is no honor for the elderly, there is no future for young people.”

Ngayon, sa pangatlong Linggo ng Kuwaresma, ang unang pagbasa mula sa Biblia ay mula sa Exodo, Kabanata 20, na kilala bilang Sampung Utos ng Diyos. Kabilang dito ang para sa mga nakatatanda: “Igalang mo ang iyong ama at ina, upang tumagal ang buhay mo sa ibabaw ng lupa na ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon mong Diyos.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kanyang talumpati, iniugnay ni Pope Francis ang respeto sa mga nakatatanda sa pangangailangang tutulan ang mga kampanya sa pulitika sa Western world para sa legalisasyon ng euthanasia (pagkitil sa buhay ng pasyenteng nagdurusa sa matindi at wala nang lunas na sakit) o assisted suicide. Ani pa niya na sa mga lipunan sa Western world na naglalaho na ang paggalang sa nakatatanda.

Mapalad tayo sa sarili nating bansa na bahagi ng ating kultura ang mataas na pagpapahalaga sa ating matatanda. Nagkakaloob tayo ng mga pribilehiyo sa mga senior citizen. Marami sa ating mga national at local official ang matatanda na. Karaniwang multi-generational ang ating mga pamilya, na ang mga anak, mga magulang, at mga lolo at lola ay nabubuhay sa iisang bubong. Ang karaniwang pamilyang Pilipino ay hindi mag-iisip na ipadala sa isang home for the aged ang kanilang mga lolo at lola.

Kaya ang mensahe ni Pope Francis sa Vatican noong Miyerkules ay para ran sa lahat ng Pilipino ng lahat ng pananampalataya. Sa ikatlong Linggo ng Kuwaresma na ito, habang binabasa natin ang Sampung Utos ng Diyos para sa lahat ng tao, ginugunita natin si Pope Francis, na isang nakatatanda rin na nakapiling natin noong Enero. Igalang ang nakatatanda, aniya, sapagkat ““they are the treasure of our society.”